Dalawang Paraan Para Bumilis Agad Mag Level Up Sa Every Farm

Maraming ibat ibang paraan at strategy ang mga naimbento ng mga players para bumilis agad mag level up sa larong Every Farm. Marami na rin akong sinubukan pero may dalawang paraan lamang ang napaka effective para bumilis agad lumevel up ang aking farm. Ang mga paraan na ito ay aking tinatawag na Beehive & Pigsty Strategy at ang Fruit Salad Shop Strategy.


Photo Credit: Every Farm Apps / Modified

2 Strategy Para Mag Level Up Agad Sa Every Farm

Ang larong Every Farm ay talagang napakaganda, at hindi natin maitatanging napakarami mga strategy ang naimbento na pwedeng gamitin para mapabilis ang pagleveup ng ating farm. Mayroon akong ginagamit na strategy na sobrang nakatulong para makakuha ng maraming xp, para tumaas agad ang level ng aking farm. Ang 2 strategy na ito ay aking tatalakayin sa pamamagitang ng.. kung paano ito gawin, kung paano ba ito gumagana, at paano mapapabilis mag levep up ang ating farm.

1. Beehive & Pigsty Strategy

Photo Credit: Every Farm Apps / Modified

Ang Beehive & Pigsty Strategy ay napakagandang strategy kung ikaw ay naglalaro ng madalas o binabantayan mo palagi ang iyong farm, dahil ang Beehive & Pigsty Strategy ay nag ko-consume lamang ng mabilis na oras, bago ito ma harvest.

Beehive+1 Honey
+ 8 xp
+ 22 gold when sell
15 minuto bago ma harvest.

It requires: Sunflower
+7 xp
+17 gold sell
10 minuto bago ma harvest.

At ang isa pa ay ang..

Pigsty+1 Pork
+4 xp
+13 gold
5 minuto bago ma harvest.

It requires: Pumpkin
+1 Pumpkin
+3 xp
+12 gold sell
3 minuto bago ma harvest.

Kung mayroon kang 5 Pigtsy at 5 Beehive sa iyong farm, kung maghintay ka ng 15 minuto, at kung gagawa tayo ng ilang simpleng math, sa kabuuan, makakaipon ka ng 910 xp sa loob lamang ng 1 oras. Isipin mo, kung lalaruin mo ito sa loob ng 24 oras, makakakuha ka ng 21,840 sa kabuuan.

2. Fruit Salad Shop Strategy

Photo Credit: Every Farm Apps / Modified

Ang Fruit Salad Shop Strategy naman ay napakagandang strategy kung hindi mo masyong binabantayan mo palagi ang iyong farm, dahil ang Fruit Salad Shop Strategy ay matagal na oras ang kukuhanin bago ito ma harvest.

Fruit Salad Shop+1 Fruit Salad
+36 xp
+265 gold when sell
1 oras. bago ma harvest.

It requires: Tomato, Strawberry, and Orange

Kung mayroon kang 10 Fruit Salad Shop, kung maghintay ng 1 oras, at kung gagawa tayo ng ilang simpleng math, sa kabuuan, makakaipon ka ng 360 xp sa loob lamang ng 1 oras. Isipin mo, kung maglalaro ka sa loob ng 24 oras, kikita ka ng 8640 xp sa kabuuan.

Konklusyon

Alam ko na marami pa talagang ibang ibang strategy na pweden gawin o gamiting para mag level up agad ang ating farm, pero iyan 2 strategy talaga ang pinaka effective. Kung gagawin mo ang mga iyan ay siguradong mabilis ka makakakuha ng XP para lumevel up agad kahit hindi mo pa ginagawa ang mga quest sa laro.

Post a Comment

Previous Post Next Post