Mga Meme Ni Kween Yasmin

Hindi natin maitatangging napaka popular ngayon ng mga meme ni kween yasmin sa internet. Si kween yasmin ay kilala bilang magaling kumanta, at sa kanyang sikat na sikat o kilalang kilala na peace sign pose na pinagkaguluhan sa ibat ibang social media.

Photo Credit: Facebook Group Meme / Modified

Kween Yasmin Pangmalakasang Meme

Madami na ngang napasaya ang nag iisa lamang na kween yasmin. Ginamit na rin ang kanyang mga kanta, pati narin ang kanyang mga litrato sa mga ibat ibang edits ng mga meme content ng mga tiktokerist. Ganon pa man, ang talagang nagbigay sa kanya ng ingay sa ibat ibang social media ay ang kanyang cover na HAYAAN MO SILA BY EX BATTALION (VERSION LALAKING MANLOLOKO) na talagang na trigger ang ibat ibang tao na nakapakinig nito dahil sobrang relate na relate sila sa kanyang kinantang nga bagong lyrics.


Alam naman din natin na sa daming taong natutuwa sa mga ginagawa ng ating kween yasmin ay may mga tao din talagang hindi ito maunwaan o ang mga taong palagi nalang binabash si kween yasmin. Marami narin ang mga nakipagtalo kung sino ba ang mas sikat pa kaysa na mga influencer pero wala talagang susukat sa kakayahan ni kween yasmin na magbigay saya.

Photo Credit: Facebook Group Meme / Modified

Inihahambing narin ang mga meme na letrato ni kween yasmin sa mga letrato ng ibat ibang sikat na korean artist katulad ng mga litrato ng mga grupo ng mga BTS. Ang paghahambing na ito ay makikita mo sa mga post sa twitter at sobrang patok na patok talaga ito dahil mararamdaman mo talaga ang vibes ni kween yasmin.

Konklusyon

Wala nga talagang tatalo sa galing magpasaya ni kween yasmin at marami talaga ang natutuwa sa kanya kahit effortless talaga ang kanyang mga pamamaraan para magpasaya.

Post a Comment

Previous Post Next Post