Apps Na Pwedeng Mag Edit Ng Picture Na Naka Formal Attire Gamit Ang Mobile Phone

Marami na talaga sa atin ang gumagawa ng paraan para matutong mag edit ng mga picture gamit lamang ang mobile phone. Mapapansin din natin na sobrang dami na ng mga editing apps na available ngayon, at nahihirapan tayong mamili kung ano ba talaga ang apps na madaling gamitin, at hindi masyadong komplekado.

Photo Credit: PicsArt app / Modified

Mag Edit Ng Picture Na Naka Formal Attire Gamit Ang PicsArt

Huwag na nating pahabain pa, dahil ang pinaka importante sa lahat ay ang apps na dapat nating i-download para makapag edit. Ang apps na aking babangitin ay sobrang dali laman downloadin sa ating mobile phone. Ang apps na nga na ito ay ang: Picsart

Ang picsart ay libre lamang downlaodin sa playstore at apple store. Pero, para magamit mo ang lahat ng feautres nito ay dapat bumili ka ng premium nila. Dahil wala tayong pambili ay meron mga mod apk ang available sa labas ng nasabing store, at pwede mo itong downloadin sa iyong mobile phone.

Marahil ay namamahalan tayong magbayad sa mga shop o sa mga nag-eedit na kakilala natin. Mabuti nalamang at tuturuan ko kayo kung paano nga ba mag-edit ng picture na naka formal attire na pwede nating magamit sa mga ID at iba pa. Ang aking ituturo ay sobrang dali lamang, at kayang kaya mo itong sundan. Ang mga step na dapat nating gawin sa pag-edit ng picture na naka formal attire gamit ang phone ay: Open PicsArt > Select Image > Remove BG > Add Sticker > Search Formal Attire > at edit mo na.

Konklusyon

Sa pag-edit ay tantyahin mo lamang ang lapad ng iyong picture sa lapad ng napiling formal attire. Pag nakuha mo na ang tamang posisyon ay i-crop mo na ito sa size na pang id. Kung gusto mong maging mas maganda ang picture mo ay pwede kang gumamit ng lightroom sa pag-edit.

Post a Comment

Previous Post Next Post