Alam mo ba na maraming paraan para makapag recharge sa larong mobile legends? Pwede mo itong gawin sa pamamagitan ng pag recharge nang diresto na sa laro, at pwede mo din itong gawin sa pamamagitan ng pag recharge sa mga online shop sa internet.
Photo Credit: Codshop - MLBB app / modified |
Mga Paraan Para Makapag Recharge Sa ML
Marami sa ating ang sadyang nalilito kung paano nga ba ang dapat gawin para makapag recharge sa larong mlbb. Mayroong ibat ibang pamamaraan kung paano ito ginagawa.
Isa na nga dito ay ang pag recharge ng direstso sa laro, dahil mayroon itong shop mismo sa loob ng laro, at ang pag recharge sa mga online shop; katulad nalang sa sikat na sikat na shop na codashop. Ating alamin kung paano gawin ang dalawang paraan kung paano ito gawin.
Isa na nga dito ay ang pag recharge ng direstso sa laro, dahil mayroon itong shop mismo sa loob ng laro, at ang pag recharge sa mga online shop; katulad nalang sa sikat na sikat na shop na codashop. Ating alamin kung paano gawin ang dalawang paraan kung paano ito gawin.
Mag Recharge In Game Sa ML
Maari tayong makapag recharge in game sa ml. Madali lamang ito, at kayang kaya mo itong gawin kaagad. Paano nga ba ito ginagawa? Ang una mo dapat gawin ay buksan lamang ang iyong laro, hanapin ang diamond na icon sa itaas at i-click lamang ito.Mapupunta at makikita mo ang shop ng mga diamonds na may ibat ibang mga presyo, at may ibat ibang uri ng mga bundle na katulad nalamang ng (weekly elite, monthly elite at iba pa). Piliin lamang ang iyong gustong presyo, at i-click lamang ito hanggang sa mapunta ka sa Google Play Billing. May mga ibat ibang pamamaraan para mabayaran mo ang pinili mong recharge. Maari mo itong mabayaran sa pamamagitan ng: Load, Credit or Debit Card, Gcash at Paypal.
Mag Recharge Online Shop Sa ML
Pwede din tayong makapag recharge sa mga online shop katulad nalang sa codashop. Medyo may kahirapan nga lang ito dahil kailangan mong ilagay ang iyong User ID at Zone ID para makapag recharge. Pero, kung kabisado mo naman ito ay sobrang dali nalang para sayo.Pumunta lamang sa site na codashop.com, at piliin ang mobile legends. Dito ay kailangan mo na nga ilagay ang User ID at Zone ID na makikita sa iyong profile sa mlbb. Pumili lamang kung diamonds ba o starlight & twilight ang gusto mong i-recharge, at pagkatapos mong mamili ay piliin mo na din ang payment method mo. Ang mga available na payment methods ay: Prepaid sim (Smart, Globe, TNT at TM), Gcash, Paymaya, Grag Pay, Coins.ph, Over the counter, Visa, Bank at 7/11.