Paano Maglaro Ng ML Kung Hindi Pa Marunong

Ang paglaro ng ml ay sobrang dali lamang, hindi mo nga kailangang maging matalino para lang makalaro nito. Mas lalo pa itong dadali kung ang isang bagong player ay gusto talagang matuto, at handang makinig para malaman ang mga dapat gawin, at maging magaling na ml player.

Photo Credit: MLBB Official Modified

Paano Laruin Ang Mobile Legends

Ang mobile legends ay sobrang sikat na sikat na laro sa bansa natin, at halos ang lahat ng mga kabataan ngayon ay nilalaro ito. Kung kaya naman, marami sa mga hindi pa nakakapaglaro ay nahihikayat din sila ng kanilang mga kaibigan para maglaro din ng mobile legends. Siguro, marami sa mga bagong player ay nahihiyang magpaturo sa mga kaibigan nila na maglaro ng ml, at baka takot sila na mapahiya. Kung kaya naman ay marami ang hindi na nagpapaturo, at naghahanap sa internet. Mabuti na lamang at ituturo ko sa inyo kung paano laruin ang mobile legends.

Sa paglaro ng ml ay dapat naka-install na ito sa iyong device. Kaya dapat ay mag-download ka na muna mobile legends sa google playstore o sa apple store.

Madali lang laruin ito! Pagkatapos mo i-download at i-install ay mayroon itong tutorial na dapat mong tapusin. Doon palamang ay matututo kana na maglaro ng ml. Ituturo sa tutorial ang ang mga basic nadapat gawi, katulad ng paggamit ng mga emblems, skills, laning, jungle, tower, enemy, paano basagin ang base ng kalaban, at iba pa. Pagnatapos mo iyon ay congrats dahil marunong kana mag ml.

Alam kong madadalian ka sa mga tutorials ng mobile legends dahil puro mga computer pa ang kalaban mo. Pero, kapag totoong mga players na ang makakalaban mo ay medyo mahihirapan ka na. Kung kaya naman ay bibigyan kita ng tips para maging malakas, at para mapabilis ang ranking mo sa mobile legends.

Isipin mo muna sa sarili mo ang gusto mo maging role mo sa laro. Pwede kang maging mage, support, fighter, assasin, tank at marksman. Ang role mo ay nakadipende sa iyo na kung gusto mo ba ng maraming kills ay pwede kang mag marksman. Gamitin mo si Layla na hero mo dahil mahaba ang range nya at masakit ang damage. Mag stay ka lang sa lane mo sa gold hanggang makabili ka ng mga item nya. Magpush ka ng tower dahil iyan ang magpapanalo sa iyo, at isagad mo hanggang base para makamit mo ang victory.

Konklusyon

Okay lang na hindi ka pa malakas maglaro dahil nga baguhan ka palang, dahil ang importante at mahalaga ay nag eenjoy ka sa laro. Ang pinaka tips ko talaga para lumakas ka maglaro ay gumamit ka ng marksman mula warrior hanggang epic, at mag mage ka mula epic hanggang legends.

Post a Comment

Previous Post Next Post