Naghahanap ka rin ba ng pang record ng gameplay mo sa iyon mobile devices? Sa tingin mo rin ba na ang built in recording sa iyong mobile phone ay hindi masyadong kagandahan kaya gusto mo makahanap ng app na magadang gamitin yung tipong smooth at hindi masyado malag pag lumabas na ang result? Kung Oo ay may alam akong isang magandang app na bagay na bagay pang record ng gameplay mo sa iyong mobile devices.
Photo Credit: SS MLBB - Mobizen |
Mobizen Screen Recorder App Best Pang Record Ng Mga Gameplay
Isa rin ako sa naghahanap ng magandang recording app na pwedeng makapag record ng mga highlights o mga gameplay ko, lalo na sa mobile legends. Madalas at matagal ko ng ginagamit ang built in recording app sa aking devices pero pansin ko na hindi masyadong optimized at medyo nag lalag at mababa ang frame rate. Napansin ko lang ito nung nag upload na ako sa aking maliit na channel sa YouTube na parang medyo laggy ang mga videos, at kung kaya ay naghanap ako ng apps na pwedeng alternative.Nakita ko nga ang Mobizen Screen Recorder app sa google play store at mukang maganda naman dahil sa mga reviews nito kung kaya naman ay agad ko na itong dinowload. Medyo nahirapan ako sa una dahil bago ang mga menu at setting pero di tumagal ay naging madali nalang ito para sa akin.
Ang Mobizen Screen Recorder app nga ay maganda ngang gamitin at smooth na smooth ang mga video record nito with minimal lag pa.
Ang video sa itaas ay sample recording video gamit ang Mobizen Screen Recorder app at talagang maganda ang kinalabasan kahit hindi high devices ang gamit.
Pwede nyo iyong i check at ma download sa google playstore o kung gamit mo ay desktop browser ay pwede mo dito i download: https://play.google.com/store/apps/details?id=com.rsupport.mvagent&hl=en&gl=US
Konklusyon
Pwede naman gamiting natin ang built in recording sa ating mga devices at maganda din naman ang mga result na mga videos pero kung susubukan mo ang Mobizen Screen Recorder ay mas lalong gaganda ang result ng mga gameplay o highlight videos mo dahil na nga sa mataas ang refresh rate at minimal din ang lag. Gamit ko na ito ngayon at mukang magiistick akong gamitin para sa aking maliit na gaming channel sa YouTube.
Tags:
Tips