Bagong Daddy Hero Fredrinn Leaked Sa Mobile Legends

May bago nanamang aabangang hero ang na leaked sa larong mobile legends. Ang hero na ito ay si Fredrinn na Tank and Fighter role, at siya ang magiging ika 117 na hero sa mlbb.

Photo Credit: MLBB Official

New Leaked Hero Fredrinn Mobile Legends

Kaabang abang nga talaga ang bagong hero na si Daddy Fred este Fredrinn dahil marami ang nabigla sa kanyang kaaya ayang feature na takaw pansin talaga. Ang Bagong hero na ito ay lumabas kumakaylan lang at naging trending na agad sa mga social media platform.

Mukang magpapalit na nga talaga ako ng bagong main hero dahil sobrang astig talaga ng datingan ng bagong hero na si Fredrinn, na saktong sakto para madagdag ang mga favorite kong gamiting tank at fighter heroes.

Ang leaked ng bagong hero na Fredrinn mga pala ay makikita at maacess mo lamang sa advance server. Pero sa mga araw na ito ay hindi pa sya masyadong buo at kung mapapansin ay mukha pa itong jolens na may skills. Meron na mga video sa YouTube kung ano ang mga skill set nito pero ayun nga ay hindi pa masyadong klaro kaya mabuting maghintay nalang ng kaunti.

Sobrang dami na din ng mga edits ni Fredrinn sa Tiktok at nakakatuwa mga edits nito na marami ang nag sasabi na sya ang tatalo sa mga male hero na sikat na sa mobile legends. Mukha kasi syang astig na pinaghalong Claude at Tigreal.

Kasabayan din nga pala ng update version ng mga revamped hero na Necrokeep na sila Faramis, Leomord at Vexana ang leaked na ito. Siguro sa mga ilang araw pa ay mas magiging klaro na ang lahat sa buong features ni Fredrinn Daddzy!

Mamaya din pala ang reset ng mga rank dahil end season na! Kaya naman ay matinding grind nanaman ang mangyayari.

Konklusyon

Ang bagong leaked hero na si Fredrinn ay malakas ang hatak at dating sa mga player at mukhang magiging isa sya sa sikat na character sa larong mobile legends. Hindi pa man kompleto ang features nito at mukha pang jolens sa advance server ay nakaka excite parin. Kaya naman ay abang abang lang muna sa mga bagong update leaked ni moonton.

Post a Comment

Previous Post Next Post