Ganto Dapat Gawin Mo Para Ma Recover Ang Account Sa Mobile Legends

Mayroong bagong paraan para ma recover ang iyong account sa mobile legends na na hack ng mga hacker. Normal lang sa atin na malito sa pag recover dahil may bago talagang proseso na kaylangan gawin para mabawi mo ang iyong mobile legends account.

Photo Credit: MLBB Official - APP / Modified

Paano Ma Recover Ang ML Mobile Legends Account

Mapapabuntong hininga na may malamig lamig na pag papawis ka nalang talaga kung pagbukas mo ng nilalaro mong mobile legends, ay may bigla lalabas na may naka login, at gumagagamit ng iyong account. Maglalaro ka na sana pero hindi mo ito magamit, at mapapaisip nalang talaga na baka mawala ang mga pinaghirapan mong ml account. Mga skins na binili nang pagkamahal mahal, mga game matches at winrate na hirap makuha. Dag dag mo pa ang mga street rank na ang hirap at ang tagal pataasin.

Medyo nakakapanghinayang talaga ito.. pero mabuti nalang mayroon pang paraan para ma recover ito, at atin na ngang alamin kung paano ma recover ang account sa mobile legends.

Mga Steps Para Ma Recover Ang Account Sa MLBB

Para ma recover mo ang nahack na mobile legends account ay dapat manghiram ka muna ng account sa kakilala mo para simulan ang pag recover.

  • Buksan ang ML.
  • Hanapin at i click ang customer service.
  • Mag fill up ng form.
  • Piliin ang mga naayon na problemang gustong ayusin.
  • Magbigay ng Screenshot.

Buksan lamang ang mobile legends at hanapin ang customer service na matatagpuan sa itaas na bahagi ng laro. Marapat lang na i click ito, at mapupunta ka sa form. Kaylangan mo talagang mag fill up para ma recover ang iyong account.

Hanapin lang sa problem ang account having been hacked. Sumunod naman ay ang the email address connected to the moontoon account is not mine. At ang sunod ay ang form_account problem na kung saan dito ka mag fi fill up, ito ang bagong paraan na binagi ni customer service.

Kung maayos ang pagkakagawa at walang problema makikita mo ang mga account na naka log in sa device na iyong ginagamit na gustong i recover. Pero kung wala ang account mo sa mga choices ay mayroon naman pag pipilian na there is no account that i want to recover above. Mapupunta ka na sa fill up form, at ilagay mo lang ang mga information na kaylangan tulad ng ID number, server number at iba pa.

Pagtapos ma fill up ang form ay mamimili ka ng dahilan kung gusto mo itong ma recover. Kung ang dahilan ay gusto mo mabawi ang account na na hack ay i click mo lang ang my account is stolen. Makikita mo ang email na ginamit mo sa iyong mobile legends, piliin mo lamang ito.

Mapupunta ka sa date na kung kaylan nahack ang iyong mobile legends account at ilagay lamang kung kaylan. Susunod naman ay dapat mag bigay ka ng screenshot na proof na sa iyo talaga ang account na iyon; pwedeng last recharge mo o kahit anong resibo.

Pagkatapos niyan ay lalabas ang form na kelan mo ginawa ang account mo sa mobile legends. Piliin lamang ang tamang info kung kaylan ginawa ang account mo. Sunod naman ay ang device na ginamit mo bago ka pa ma hack. Ang panghuli ay dapat i describe mo ang nangyari; kung bakit nahack ang account mo; may ginawa ka bang kakaiba; at kung ano ang dahilan.

Konklusyon

Mahirap talagang mawalan ng account dahil nahack ito ng mga hacker at pahirapan pa na mabawi ito. Pero mabuti nalang talaga na may mga paraan pa para marecover. Ganon pa man na dapat ay mas makakabuti talaga na gumawa ang developer ng mas mataas na security para maiwasan ang ganyang pangyayari.

Post a Comment

Previous Post Next Post