Paano Nga Ba? Paano Mo Nasabi Meme

Minsan na rin ba sa buhay mo na napasabi kanalang ng "paano mo nasabi" sa mga taong tanong ng tanong sayo? Ganyan din ang tanging naisambit ng isang lalaki, dahil paulit ulit ang pagtanong sa kanya ng mga press kung ginawa nya ba talaga ang ibinibintang sa kanya. Ang paulit ulit din na pagsabi ng "paano mo nasabi" ang naging dahilan kung bakit ang lalaking tinatanong sa interview ay sumikat, at naging isa pa ngang meme sa internet.

Photo Credit: Random Pic FB Group / Modified

Paano Mo Ba Nasabi Meme

Hindi talaga natin maitatangging ang meme na ito ay sobrang nagbigay sa atin ng aliw, dahil narin siguro na hindi naman talaga madalas, magkaroon ng gantong klaseng meme. Ang paano mo nasabi meme ay kumalat na sa internet, at nagagamit na din ito sa mga edit ng mga video sa tiktok, lalo sa mga video .exe ng mobile legends. Ginamit din ang paano mo nasabi meme sa mga compilation ng mga meme na ini-upload sa ibat ibang social media tulad ng YouTube.

Bago ka pa man matawa, alam mo ba na sa nakakatuwang meme na ito ay may nakakatakot na background story. Oo meron! Ang lalaki sa naturang meme ay nahuli dahil nakagawa ito ng karumaldumal na krimen, at kung kaya ay mapapansin na nasa prisinto ito. At kung inyo ding mapapansin ang paulit ulit na pag tatanong ng mga press, ay iyon ay kung ginawa nya ba talaga ang krimen.

Konklusyon

Totoong ang mga meme ay nakakatawa lalo na kung bago palang natin itong nakita. Pero madalas din ang mga meme sa internet ay may mga hindi natin ineexpect na may nakakatakot na backstory. Ganon paman, ang paano mo nasabi meme ay patuloy parin na nagbibigay ng tuwa sa mga tao sa internet dahil nga sa isa itong extraordinary meme.

Post a Comment

Previous Post Next Post